sholikul Hardy Girinatakusumadihard

sholihul Hardi gurunatakusuma_ tukang pijat alternatif dan spiritual hubungi 082325958964...

Selengkapnya
Navigasi Web
meong

meong

Sa itinanong kong iyon, napatingin sa kawalan si Mang Temyong. “Namatay ang aking ina sa panganganak sa akin. Maraming daw kasing dugo ang nawala sa kanya.” Binitiwan ni Mang Temyong ang kawayan na hawak saka napailing. “Alam mo, sinisisi ko ang sarili ko. Kasi, kung hindi dahil sa akin, hindi sana namatay ang Nanay ko. Noon, lagi kong sinasabi, sana ako na lang ang namatay at hindi ang Nanay. Sana, hindi naging malupit si Tatay. Sana hindi naging malungkot ang buhay ng aking mga kapatid. Sana hindi ako nahihirapan. Sana……..ang daming sana…..,” at unti-unting namasa ang mga mata ng matanda. Natigilan ako. Di ko malaman kung ano ang aking sasabihin. “Pero, alam mo iha, kahit na minsan, hindi ako nagalit sa tatay ko. Kahit sa mga kapatid ko. Pinilit kong intindihin kung bakit naging malulungkutin si Tatay. Kung bakit isinubsob niya ang sarili sa trabaho. At kung bakit siya naging malupìt sa amin. Sabi ko sa sarili ko, para rin naman sa amin ito. At sa bawat, palo na inaabot ko sa kanya, iniisip ko na lang na pagmamahal iyon ng aking ama. Yung mga kapatid ko na kinalimutan ako, mahal ko pa rin sila. Inaalala ko pa rin sila hanggang sa ngayon. Kahit hindi nila ako dinadalaw, mahal ko pa rin sila kasi kapatid ko sila,” paliwanag ni Mang Temyong. “Alam mo, bago namatay ang aking ama, gumawa siya ng isang napaka-gandang parol. Sabi niya, iyon daw ang pinakamagandang parol na ginawa niya at hindi niya iyon ipagbibili. Alam mo ba kung bakit? Kasi daw, ang parol na iyon na kanyang ginawa ay para sa akin. Habang ginagawa daw niya ang parol, ako ang iniisip niya,” lumuluha si Mang Temyong habang sinasabi ang mga salitang iyon. “Humingi na tawad ang tatay ko sa akin bago siya namatay. Sa lahat ng latay na inabot ko sa kanya, pinagsisissihan niyang lahat. Bawat, pagmamalupit niya, inihingi niya ng tawad sa akin. Pati ‘yung hindi niya pagbibigay ng pagkakataon sa akin para makapag-aral,” tuluyan nang napahagulgol ang matanda. “Ineng…..napatunayan ko na mahal na mahal ako ng tatay ko……,”masayang sambit ni Mang Temyong habang patuloy ang pagluha. “Eh, bakit po ba hanggang sa ngayon eh gumagawa pa rin kayo ng parol? Kahit hindi Pasko, gawa pa rin kayo ng gawa? Pinagtitinginan tuloy kayo ng lahat ng taong pumupunta dito sa simbahan. Akala tuloy nila ay nasisiraan kayo ng bait,”nasabi ko rin ang matagal ko nang iniisip. Napatawa si Mang Temyong bago sinabing, “Eh, pakialam ba nila. Alam mo, para sa akin, ang Pasko ay di dapat tumitigil. Dapat paulit-ulit ito. Dapat ay araw-araw mong nadarama ang Pasko para hindi ka mahirapang magpatawad at humingi ng tawad. Parang pagmamahal. Dapat lagi kang nagmamahal. Araw-araw kang nagmamahal,” ang sabi ni Mang Temyong sabay tapik sa balikat ko. Maya-maya, tumigil na ang ulan. Muling naglabas-masok sa loob ng simbahan ang mga tao. Ang iba, hihinto sa tapat ni Mang Temyong at titingnan ito ng para bang nababaliw na ito. Ang hindi nila alam, matino pa sa matino ang busilak na puso ng matanda. Sa huli ay naisip ko, may malalim pa lang dahilan kung bakit paulit-ulit na dapat ay inaalala ang Pasko. Hindi lang dahil sa masasarap na pagkain, magagandang damit, o walang katapusang kasayahan. Bukod sa mga ito, ang paulit-ulit na paggunita sa Kapaskuhan ay paglalarawan ng paulit-ulit na mensahe ng kapatawaran, pagmamahal at kaligtasang inalay ng Diyos sa ating lahat. Paulit-ulit na ipinaalala sa atin na hindi dapat magsawa sa pagpapatawad at pagmamahal dahil ito ang susi sa tunay na kaligayahan. Kaya simula ngayon, araw-araw ko ang ipagdiriwang ang kapaskuhan. At kahit Sept. pa lang ay babati na ako ng Maligayang Pasko sa ating lahat! Kung nabasa at nagustuhan mo ang kwento maari kang mag iwan ng iyong kumento at yan ay babasahin ko. Wag kalimutan E-like ang page para sa iba pang kwento

DISCLAIMER
Konten pada website ini merupakan konten yang di tulis oleh user. Tanggung jawab isi adalah sepenuhnya oleh user/penulis. Pihak pengelola web tidak memiliki tanggung jawab apapun atas hal hal yang dapat ditimbulkan dari penerbitan artikel di website ini, namun setiap orang bisa mengirimkan surat aduan yang akan ditindak lanjuti oleh pengelola sebaik mungkin. Pengelola website berhak untuk membatalkan penayangan artikel, penghapusan artikel hingga penonaktifan akun penulis bila terdapat konten yang tidak seharusnya ditayangkan di web ini.

Laporkan Penyalahgunaan

Komentar




search

New Post